Thursday, September 29, 2005

Papa Cologne

Problema mo ba ang pangit mong mukha?
Palagi ka bang binabasted ng nililigawan mo?
Ayon kay chito ito ang sagot sa problema niyo:

Title: Papa Cologne
Album: Halina sa Parokya

Kung ang iyong problema
ay ang iyong mukha
huwag nang magalala
pagkat nandito na

ang sagot sa lahat
ng problema mo sa mga babae
ang sagot sa lahat ng pagkakabigo ng mga lalake

nandito na ang papapapa cologne 2x

magaamoy mayaman
kahit na pagpawisan
di na mahihirapan diretso nang kantu...

kung saan may tindahang
mapagbibilhan nitong cologne ko
siguradong patok (at wala kang putok)
garantisado

gumamit na ng papapapa cologne
gumamit na ng papa (papa)

papa cologne

hey this is peter north
im from houston colorado
i play a lot of tennis
and i do a little judo
my darling likes me smelling good
it always turns her on
that's why i always use papa cologne

Kung ang iyong problema
ay ang iyong mukha
huwag nang magalala
pagkat nandito na

gumamit na ng papa papa cologne
gumamit na ng papa (papa)
papa cologne

Psst! Pogi

Sa bus:

konduktor: oy! baclaran baclaran ortigas cubaoooo!

May poging sumakay.

konduktor: tiket po ser?
pogi: Cubao.
konduktor: 20

Pumikit na si pogi. mukhang iidlip.

May isa pang lalaking sumakay.

konduktor: saan po?
lalaki: crossing

Nakaidlip din.

Busy ang aking mga mata sa bintana ng bus, para akong bagong salta sa manila na ayaw makaligtaan lahat ng mga lugar na madadaanan ng sinasakyan kong bus sa pagaalalang baka ako maligaw o di kaya ay hindi ko makita ang pinagmamalaki ng kaibigan sa probinsya, ang megamall. naalala ko tuloy nung kakaluwas ko pa lang ng manila, parang hinihila ang mga paa ko pabalik sa aming bayan na lalakbayin mo pa ng isang araw sa gitna ng dagat bago ka makarating. Pero hindi nangyari iyon, andito na ang buhay ko sa manila at pangit mang pakinggan pero hindi ako aasenso sa probinsya, dito nga lang sa manila hindi ko alam kung paano ako aasenso, sa probinsya pa kaya, kaya dito lang muna ako.

Takbo! naka-go na ang traffic light. hala! tawid lang ale, sinundan pa ni mamang kalbo, at isa pang babaeng may hila-hilang bata. susmaryosep, baka mahagip ang bata.

Traffic. Nanghuhuli na naman ang mga mmda. kaya pala nakaharang ang mga pampasaherong bus sa edsa. tsk.

Oy! Cubao na Cubao!

konduktor: "Pogi cubao na!"

Dali-daling bumaba ang lalaki.

Sabi ni pogi: "sa kabila nalang!"

Maya-maya sumakay ulit ang mokong na lalaking bumaba.

konduktor: "bakit po ser? me naiwan kayo?"
lalaki: "crossing pa ako bababa eh ginising moko!"

Feeling Pogi.

Sunday, September 25, 2005

Kaibigan

Dear Kaibigan,

Akala ko noon ikaw na yung masasabi kong the best sa lahat ng mga naging kaibigan ko, hindi pala. Buti na lang hindi ko naisatinig ang mga salitang "you are my best friend." Ang sarap siguro pakinggan na may kabatuhan ka ng ganung linya lalo na pag depressed ka, "Don't give up, best...", di ba?

Wala pa kasi ako nasabihan ng ganun e, kilala mo naman ako hindi ako ganun ka-showy. nakakainggit lang, lahat yata ng tao merong itinuturing na bestfriend, am i the only one na walang bestfriend? huhuhu. Gaga ko kasi, iniwan ko mga kaibigan ko dati ngayon ako naman ang naiwan mag-isa, but that's another story so better put a period on that issue first.

Mabalik tayo sa atin, ilan na ba ang itinuring mo na bestfriend? isa o dalawa? Bakit kaya sa tagal ng panahong magkasama tayo hindi natin naisip na dapat pala tayong maging mag-bestfriend? o ako lang ang nakakaramdam noon para sa iyo?

Nagkamali ako kanina, sayang pala at hindi ko nasabing "ikaw ang bestfriend ko." Ngayon mukhang malabo nang masabi ko pa iyon, iba na ang mundo mo ganun din ako, wala nang bagay ang pareho tayo, siyanga pala suot ko pa din yung relo nating twin nawala na yata yung sa iyo eh.

Tumaba ka na ba? Malakas ka pa din ba tumawa? May Bf ka na daw, as in boyfriend, sigurado masaya ka na ngayon. Masaya din ako para sa iyo.

Kung sakaling mabasa mo ito... i-text mo naman ako kahit "hi" lang.

Friday, September 23, 2005

Ang sagot sa panawagan ko!

Sa lahat ng naligaw sa advertisement ko, BULAGA! Sabi ko sa inyo makibahagi.. ibig sabihin, makibahagi sa aking blog. Marahil nagulat kayo sa biglang pagpasok niyo dito sa kaharian ko. Pwedeng magbasa-basa, magmungkahi, makiusyoso, umapela, makiayon, at kung ano pa ang gusto niyo gawin, wag lang magmura.

Juice o Kape?
Biscuit o Pan de coco?
Tong-its o Pusoy?

Wala pong lamay, gusto ko lang kayong maging at home.

Wednesday, September 21, 2005

MYMP

Para sa mga bloghoppers na naghahanap ng mymp, fan ka din sigurado ng mymp ano? para sa iyo ito!
click on the track to play :
More songs to listen on the site. click na sa link dali!

Pinoy FM radio

Dati mahilig ako makinig sa mga fm station, minsan sa rx 93.1, sa wave 89.1, jam 88.3, 105.1 crossover 105.1 at k-lite ang ilan sa mga paborito ko. ngayon medyo nababawasan na kasi naman ambilis na magdownload ng mga songs sa internet, high res pa hindi mo na kailangan maghintay ng ilang oras o magrequest sa dj para i-play yung favorite song niyo ng dyowa mo na "banal na aso!santong kabayo!". Pero siyempre iba pa din yung me napapakinggan kang hindi ikaw mismo ang papatugtog, idagdag mo pa ang mga radio commercials katulad ng "winston, the spirit of the USA!" tsaka "champion cigarette, champion talaga! champion talaga!", simula yata bata ako naririnig ko na ang patalastas na yan sa fm o am man, wala sigurong budget ang fortune tobacco para gumawa ng bagong commercial. Isa pang kaengga-angganyong pakinggan eh yung mga interesanteng istorya ng mga avid listeners, minsan drama, greetings, sosyalan at marami pang iba.

Gaya nga ng sinabi ko minsan ko nalang maisipan makinig sa radyo, trip-trip nalang. Pero hindi maiwasan na makikinig ka din sa tugtog sa bus habang bumibyahe ka, katulad kanina habang ako'y nasa bus at busy ang aking utak kakasolve ng bagong bili ko na puzzle magazine, umeere naman ang istasyong patok na patok sa masa, ang Love radio 90.7, sa mga hindi familiar sa istasyong ito, yan ang kadalasang maririnig sa bus, sa jeep, o kahit sa mga karinderya, kung hindi niyo pa din maalala, ang tanong, nasa pilipinas ka ba? basta may naririnig kang jingle na "kailangan pa bang i-memorize yan!" yun na yun. Hindi ko gusto ang istasyong ito dahil hindi ko trip makinig ng halo-halong music, minsan may love song tapos biglang magshishift sa rock o kaya naman biglang isisingit ang walang patid na pagtawa ng mga dj sa mga jokes nila na medyo nilalangaw na. di mo nga lang mapigil mapangiti dahil minsan ang jokes nila, nai-joke mo na sa iba mga isang taon na nakakaraan. "bakit kaya maitim ang kanyang kili-kili? siguro.. hihihihi. siguro sa kagustuhang pumuti, Nasunog!" natawa ka ba sa joke na yan? ako nagulat, kasi nung narinig ko yan me tumawang babae sa bus ng pagkalakas-lakas, naka-relate siguro.

Kanya-kanyang raket ang mga istasyon, mula sa mga programa hanggang sa mga pangalan ng dj ay talaga namang target na target ang masang pilipino, may Nicholehiyala, Chris-tsuper, Matinding Martin D. at marami pang iba. Sabihin na nating jologs o baduy ang mga istasyong ito, nagpapasalamat pa din ako sa mga tao sa likod ng mga FM stations na ito, dahil kahit sa hirap ng buhay sa kalye para sa mga tindera, sa mga driver, sa mga kundoktor, sa mga dispatcher, sa mga magbobote, sa mga tambay, sa mga commuters, sa mga maybahay at mga nagbabantay ng bahay, ay nagagawa pa din nilang pangitiin at pagaanin ang kanilang mga buhay.
Naks.. mabait pala ako.

Monday, September 19, 2005

Guess this Pinay Celebrity

Nakikilala mo ba siya?

I got this photo from a year old Yes! magazine issue.
she's one of the famous female tv personalities in the philippines today, a model and product endorser, she's got the height, the looks and a very talented artist.
dati, i thought she's not a good actress or maybe she is kaya lang in one of the soap opera she got a lead role before, there's something wrong with her mouth when she utter her lines, something annoying pero ngayon she's all good when it comes to acting.
She is currently portraying the role of Amihan in Encantadia, nahulaan niyo na? yup siya nga yan.
Ikaw nga ba yan miss iza calzado?

Thursday, September 15, 2005

PDA

Public Display of Affection
> para sa mga young sweethearts na naglalambingan sa bus, sa waiting shed, sa luneta, sa intramuros, sa fort santiago, sa moviehouses (kahit madilim PDA kasi nakikita mo yung anino nila tsaka yung mga tsup tsup!) at kung saan saan pang lupalop ng "Philippines".

Pambihirang Display of Affection
> sa mga walang kahiya-hiyang naghahalikan sa kung saan-saan.

Pang-contest na Display of Affection
> sa mga magkaka-partner na sabay-sabay na nagpapakitaan ng kanilang ka-sweetan sa madla, parang contest sa tv ng best love team. ang tindi!

Pinoystyle Display of affection
> yung nakikita natin sa pinoy big brother. hoy may camera! oops

BF i hate you!

It's not what you think.
BF stands for Bayani Fernando, MMDA chairman.

Dati natutuwa ako sa mga baby pink at baby blue foot bridges along the roads of quezon city, its not that i like the color, alam kong baduy yung color para gamitin sa public roads kahit pa nga sa private subdivision pagtatawanan ang project mo kung yun ang choice of color mo. Nakakaaliw lang dati kasi akala ko bading siya, babaw ano? ikaw naisip mo na ba kung bakit yun ang pinili niya? nagmukha tuloy baby crib ang mga daan sa QC. Pero hindi pala ako dapat matuwa kasi nanlilimahid na sa dumi ang mga foot bridges na ito at kapag nakapalda kang umakyat dito magpipiyesta ang mga tambay sa kalye at magkakastiffneck sila kakasunod sa pagsway ng palda mo.

Ang mga urinals na nagkalat, pakshet kahit naka-aircon bus ka amoy hanggang loob ang panghi ng nadaanan kong urinal, daig pa ang kwadra ng kambing.

Saang bansa ka nakakita ng kalsadang may nakaharang na mahabang gate na kulay pink! at may mga karatulang "Bawal ang tao dito, doon ka sa bangketa!", "Walang Tawiran, Nakamamatay!". Duh!

Aling nena

Si aling nena ang multo sa blog na ito.
Akala ko mananatili lang siyang kathang isip para sa akin dahil unang una wala akong kilalang may ganung pangalan sa aking angkan at sa angkan ng mga kaibigan ko. ewan lang din, pero sinisiguro ko sa inyo isa lang siyang bunga ng aking mababaw na imahinasyon.

Malakas ang ulan nung umuwi ako, tamang-tama naman me bus akong nasakyan sa may edsa, swerte! kaya lang punuan hanggang pinto ng bus pero nagpumilit pa din ako sumakay dahil gustong-gusto ko na umuwi. Mabait yung driver, in fairness, pinaupo niya pa ako sa harapan ng bus. ang posisyon ko nakaharap sa audience este sa mga pasahero at nakasandal sa salamin ng bus, ok lang naman sa akin ang posisyong iyon kesa naman magkaroon ako ng varicose veins sa tagal ng pagkakatayo at magkaroon ng kulani sa kilikili sa pagkakakapit ng aking kamay sa hawakan ng bus.

Habang ako'y kampante sa pagkakaupo doon, biglang nagpreno ba naman ang bus! ay nawindang ako dun, paano nalang kung biglang bumangga yun eh di ako ang unang na-rest in peace! parang hindi ko pa balak uurin sa ilalim ng lupa. Siyempre ng nagkaroon ng space sa gitna kahit nakatayo ok na sa akin, kahit pa magmukhang puno ang binti ko sa varicose ok lang(wag naman sana).

At last, may bumaba at nakaupo na ako.

Halos malapit na ang bababaan ko ng chinika ako ng katabi ko, nagkuwento siya tungkol sa trabaho niyang real estate agent, anong bago dun? malakas talaga ang loob nilang mag-sales talk kahit saang lugar basta nakakaamoy ng pera, hehe malas lang niya kasi nabasa lang ang bulsa ko kaya siguro nagamoy pera ako.

Ayun na, baka daw gusto ko kumuha ng town house sa antipolo. ngii!

Malapit na talaga, nakatayo nako at handang-handang tumapak ng sandals ko sa basang kalsadang bababaan ko pero nagkukuwento padin siya, hay at ibinigay pa sa akin ang contact number niya, kinuha ko naman. sabi niya "basta pag may free time ka isasama kita sa tripping! itext mo ako agad para malaman ko number mo, ang number ko 09xxxxxxxxx. oki na?" sabi ko "ano po ang name niyo 'te?". sagot ng ale "Nena".

Bumaba na ako ng bus.

Wednesday, September 14, 2005

Pinoy Big Brother mania

May tatlong linggo na din mahigit na umeere sa ABS-CBN ang pinoy version ng big brother. Maganda ang naging pagtangkilik ng mga tv viewers sa mala-teleseryeng reality game na ito at walang pagaalinlangan pati ako ay nahumaling dito.

Sinubukan mong magsubscribe sa Live Streaming sa pagaakala mong makakapamboso ka sa cr ng mga housemates, pero ni minsan hindi nagawi sa cr ang camera ng PBB.

Madalas ka sa mga forum, nakikipagbalitaktakan, nakikipagtalo, nanlalait ng housemate, pinagtatanggol mo ang bet mo sa kanila, pinupuna mo kung sino ang retokada o hindi, kung sino ang bakla o tomboy, at pilit mong itinatatak sa isip mo sa hindi bakla si uma dahil siya ang crush mo, pero ang totoo 80% ang pagdududa mo. kung opinyon ko hihingiin mo, sa tingin ko bakla talaga yun e.

Napakalakas nga ng hatak ng Pinoy Big Brother, ayan tuloy nakaka 500 ka na. sa isang linggo, irerenew mo pa ba ang pbb license mo? hmm...

Crush

**Gawin nating parang kanta ang format ng post na ito, hindi mo kailangang kantahin.**

1st stanza:
Madalas kang kinikilig, kumikinang ang mga mata at bumabangko kapag tungkol sa crush ang usapan. Ikinukuwento mo ng detalyado ang lahat ng ika nga e bonding moments niyo at ang pangarap mong maka-HHWW (holding hands while walking) siya, maiintindihan ko kung minsan korni ka na kaya wag ka ng mahiya.

2nd stanza:
Para kang lumilipad sa ere tuwing naririnig mo ang pangalan ng crush mo, minsan pa nga kahit hindi siya yung binabanggit ina-assume mo na siya ang pinaguusapan.

Madalas mong pinupuri yung kissable lips niya, at ang paghahangad mo madampian ka noon kahit konting-konti lang sa iyong pisngi.

Palagi kang nakaharap sa salamin, ayaw mong maging pangit sa paningin ng crush mo. nahahalata niya kaya iyon?

Lahat ng mga bagay na galing sa kanya, ultimo balat ng kendi ay nakatago sa iyong diary, ang ilang hibla ng buhok na nalagas ng minsan hiramin niya ang suklay mo at ang mga kuko na ginupit niya gamit ang nail cutter mo. hindi kaya mangkukulam ka? joke lang.

Chorus:
Minsan hindi matanggal ang napaka-lawak na ngiti sa mga labi mo, akala ko nahipan ka ng masamang hangin (exag. alam kong corny ang huling sinabi ko). Nagngitian pala kayo ng crush mo at nagkuwentuhan pa ng dalawang oras ayon sa iyo, as usual kinikilig ka na naman, buong maghapon tayong magkasama, buong maghapon mo din bukambibig ang pangyayaring nakapagpakilig sa iyo ng sobra at sa pagtulog ko umaalingawngaw pa din ang pangalan ng crush mo sa utak ko, naisip ko hindi kaya ako bangungutin?

(Repeat 1st stanza, 2nd stanza and chorus 2x)
(Repeat 1st stanza, 2nd stanza and chorus 2x)
(Repeat 1st stanza, 2nd stanza and chorus 2x)

Wala bang magandang ending ng post na ito?
Kasi wala pa ding ending ang pagkakilig mo sa kanya.

Ang dahilan ng pagkuwento ko tungkol sa IYO..

Bago ako mag-post ulit ng kuwento mo. Konting explanation muna tungkol sa blog na ito.

Mahilig akong magbasa ng mga articles sa peyups pero hindi ako taga-UP, katunog lang ng peyups ang pangalan ng unibersidad na pinanggalingan ko, gusto niyo ng hint? ok, epiyu. di ba katunog?

Hanggang paghanga lang sa magagaling na writer ng website na yun ang kaya ko gawin dahil higit kailanman hindi ako magiging singgaling nila. Dala lamang po ng kainipan kaya ko naisip mag-blog. Ano nga ba ang laman ng blog na ito? Lahat ng bagay dito ay tungkol sa iyo, kung sino ka man na nakaka-relate sa mga pinagsasabi ko marahil minsan sa buhay mo ay naranasan mo ito o marahil ikaw nga mismo ito. katakot ano? kasi pwedeng ang pinakamadilim mong sekreto e mabasa mo dito, pero wag kang mag-alala dahil hindi ko naman ipa-publish ang pangalan mo. tanging ako lang at ikaw ang magkakaintindihan sa mga bagay na iyon..

Sa blog na ito, hindi ako kundi IKAW ANG BIDA!

Kaya seat back and relax, nakasalang na ang pelikula ng buhay mo.

W a r n i n g !
Magbaon ng popcorn, walang tindahan sa loob.

Tuesday, September 13, 2005

Morning sickness

Alas-sais ng umaga:
Nag-alarm ang relo mo, kahit inaantok ka napilitan kang bumangon dahil baka maunahan ka sa banyo ng dorm ninyo. Hindi ka nga nagkamali, pang-lima ka sa pila ng mga maliligo. Bad Trip! May exam/meeting pa naman kayo ng alas-nuwebe.

Umabot ng 1 oras ang paghihintay mo sa labas ng banyo. Nakapag-kape at pandesal ka na. Kailangan mo na magmadali at baka may makaaway ka na naman sa dorm niyo dahil sa bagal mong maligo, na-eebs ka pa naman.

Alas-siyete y media:
Ayos na lahat, paalis ka nalang hinarang ka pa ng land lady niyo at sinisingil ka sa upa mo. tsk.

Punuan ang jeep. Nang makatiyempo ka ng masasakyan ayaw umurong ng mga pasahero para makaupo ka. Asar ka na kaya mas pinili mong bumaba nlng. Nang akmang bababa ka na, paglingon mo sa kanan me pogi/maganda, woo sayang. biglang bumaba ang nakataas mong kilay at nakanguso mong bibig.

Alas-otso na hindi ka pa din nakakasakay.

Napilitan kang mag-bus. Wow, maluwang ang bus wala nga lang maupuan, ayos na ang pagkakatayo mo nang may malaking mamang sumakay at derederecho sa loob, nabangga ka at aksidenteng tumama ang mala-maletang bag mo sa mukha ng isang babaeng di mo mawari kung galit sa mundo o nasubsob sa pupu ng kalabaw kaya nakabusangot. Patay, nagalit. sabi sayo "miss/mama, yung bag mo! ayus-ayusin mo nga yan!" at di ka na tinigilan sa pambubunganga sa nagawa mong di mo naman sinasadya. Gusto mong bumaba na lang dahil sa pagkapahiya, pero paano male-late ka na? Buti nalang me bumaba sa may unahan, ayan nakaupo ka na malayo sa babaeng bungangera. Wala pang sampung minuto naririnig mo na naman ang babaeng nabangga ng bag mo, nakalipat na ito ng upuan malapit sayo. worst, ikinukuwento ka na sa katabi niya, napailing ka na lang.

Sa dami ng naririnig mo sa kanya hindi mo namalayan na trapik pala at inabot ka ng halos isang oras sa byahe.

Pababa ka na. Tiningnan mo ang iyong rolex/guess/timex watch. 9:10
LATE ka na! sa pagkataranta mo imbis na "para", ang nasabi mo "Manong, Bye na!"

Ikaw ba ito?