Thursday, September 29, 2005

Psst! Pogi

Sa bus:

konduktor: oy! baclaran baclaran ortigas cubaoooo!

May poging sumakay.

konduktor: tiket po ser?
pogi: Cubao.
konduktor: 20

Pumikit na si pogi. mukhang iidlip.

May isa pang lalaking sumakay.

konduktor: saan po?
lalaki: crossing

Nakaidlip din.

Busy ang aking mga mata sa bintana ng bus, para akong bagong salta sa manila na ayaw makaligtaan lahat ng mga lugar na madadaanan ng sinasakyan kong bus sa pagaalalang baka ako maligaw o di kaya ay hindi ko makita ang pinagmamalaki ng kaibigan sa probinsya, ang megamall. naalala ko tuloy nung kakaluwas ko pa lang ng manila, parang hinihila ang mga paa ko pabalik sa aming bayan na lalakbayin mo pa ng isang araw sa gitna ng dagat bago ka makarating. Pero hindi nangyari iyon, andito na ang buhay ko sa manila at pangit mang pakinggan pero hindi ako aasenso sa probinsya, dito nga lang sa manila hindi ko alam kung paano ako aasenso, sa probinsya pa kaya, kaya dito lang muna ako.

Takbo! naka-go na ang traffic light. hala! tawid lang ale, sinundan pa ni mamang kalbo, at isa pang babaeng may hila-hilang bata. susmaryosep, baka mahagip ang bata.

Traffic. Nanghuhuli na naman ang mga mmda. kaya pala nakaharang ang mga pampasaherong bus sa edsa. tsk.

Oy! Cubao na Cubao!

konduktor: "Pogi cubao na!"

Dali-daling bumaba ang lalaki.

Sabi ni pogi: "sa kabila nalang!"

Maya-maya sumakay ulit ang mokong na lalaking bumaba.

konduktor: "bakit po ser? me naiwan kayo?"
lalaki: "crossing pa ako bababa eh ginising moko!"

Feeling Pogi.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home