Morning sickness
Alas-sais ng umaga:
Nag-alarm ang relo mo, kahit inaantok ka napilitan kang bumangon dahil baka maunahan ka sa banyo ng dorm ninyo. Hindi ka nga nagkamali, pang-lima ka sa pila ng mga maliligo. Bad Trip! May exam/meeting pa naman kayo ng alas-nuwebe.
Umabot ng 1 oras ang paghihintay mo sa labas ng banyo. Nakapag-kape at pandesal ka na. Kailangan mo na magmadali at baka may makaaway ka na naman sa dorm niyo dahil sa bagal mong maligo, na-eebs ka pa naman.
Alas-siyete y media:
Ayos na lahat, paalis ka nalang hinarang ka pa ng land lady niyo at sinisingil ka sa upa mo. tsk.
Punuan ang jeep. Nang makatiyempo ka ng masasakyan ayaw umurong ng mga pasahero para makaupo ka. Asar ka na kaya mas pinili mong bumaba nlng. Nang akmang bababa ka na, paglingon mo sa kanan me pogi/maganda, woo sayang. biglang bumaba ang nakataas mong kilay at nakanguso mong bibig.
Alas-otso na hindi ka pa din nakakasakay.
Napilitan kang mag-bus. Wow, maluwang ang bus wala nga lang maupuan, ayos na ang pagkakatayo mo nang may malaking mamang sumakay at derederecho sa loob, nabangga ka at aksidenteng tumama ang mala-maletang bag mo sa mukha ng isang babaeng di mo mawari kung galit sa mundo o nasubsob sa pupu ng kalabaw kaya nakabusangot. Patay, nagalit. sabi sayo "miss/mama, yung bag mo! ayus-ayusin mo nga yan!" at di ka na tinigilan sa pambubunganga sa nagawa mong di mo naman sinasadya. Gusto mong bumaba na lang dahil sa pagkapahiya, pero paano male-late ka na? Buti nalang me bumaba sa may unahan, ayan nakaupo ka na malayo sa babaeng bungangera. Wala pang sampung minuto naririnig mo na naman ang babaeng nabangga ng bag mo, nakalipat na ito ng upuan malapit sayo. worst, ikinukuwento ka na sa katabi niya, napailing ka na lang.
Sa dami ng naririnig mo sa kanya hindi mo namalayan na trapik pala at inabot ka ng halos isang oras sa byahe.
Pababa ka na. Tiningnan mo ang iyong rolex/guess/timex watch. 9:10
LATE ka na! sa pagkataranta mo imbis na "para", ang nasabi mo "Manong, Bye na!"
Ikaw ba ito?
0 Comments:
Post a Comment
<< Home