Thursday, September 15, 2005

Aling nena

Si aling nena ang multo sa blog na ito.
Akala ko mananatili lang siyang kathang isip para sa akin dahil unang una wala akong kilalang may ganung pangalan sa aking angkan at sa angkan ng mga kaibigan ko. ewan lang din, pero sinisiguro ko sa inyo isa lang siyang bunga ng aking mababaw na imahinasyon.

Malakas ang ulan nung umuwi ako, tamang-tama naman me bus akong nasakyan sa may edsa, swerte! kaya lang punuan hanggang pinto ng bus pero nagpumilit pa din ako sumakay dahil gustong-gusto ko na umuwi. Mabait yung driver, in fairness, pinaupo niya pa ako sa harapan ng bus. ang posisyon ko nakaharap sa audience este sa mga pasahero at nakasandal sa salamin ng bus, ok lang naman sa akin ang posisyong iyon kesa naman magkaroon ako ng varicose veins sa tagal ng pagkakatayo at magkaroon ng kulani sa kilikili sa pagkakakapit ng aking kamay sa hawakan ng bus.

Habang ako'y kampante sa pagkakaupo doon, biglang nagpreno ba naman ang bus! ay nawindang ako dun, paano nalang kung biglang bumangga yun eh di ako ang unang na-rest in peace! parang hindi ko pa balak uurin sa ilalim ng lupa. Siyempre ng nagkaroon ng space sa gitna kahit nakatayo ok na sa akin, kahit pa magmukhang puno ang binti ko sa varicose ok lang(wag naman sana).

At last, may bumaba at nakaupo na ako.

Halos malapit na ang bababaan ko ng chinika ako ng katabi ko, nagkuwento siya tungkol sa trabaho niyang real estate agent, anong bago dun? malakas talaga ang loob nilang mag-sales talk kahit saang lugar basta nakakaamoy ng pera, hehe malas lang niya kasi nabasa lang ang bulsa ko kaya siguro nagamoy pera ako.

Ayun na, baka daw gusto ko kumuha ng town house sa antipolo. ngii!

Malapit na talaga, nakatayo nako at handang-handang tumapak ng sandals ko sa basang kalsadang bababaan ko pero nagkukuwento padin siya, hay at ibinigay pa sa akin ang contact number niya, kinuha ko naman. sabi niya "basta pag may free time ka isasama kita sa tripping! itext mo ako agad para malaman ko number mo, ang number ko 09xxxxxxxxx. oki na?" sabi ko "ano po ang name niyo 'te?". sagot ng ale "Nena".

Bumaba na ako ng bus.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home