Wednesday, September 14, 2005

Crush

**Gawin nating parang kanta ang format ng post na ito, hindi mo kailangang kantahin.**

1st stanza:
Madalas kang kinikilig, kumikinang ang mga mata at bumabangko kapag tungkol sa crush ang usapan. Ikinukuwento mo ng detalyado ang lahat ng ika nga e bonding moments niyo at ang pangarap mong maka-HHWW (holding hands while walking) siya, maiintindihan ko kung minsan korni ka na kaya wag ka ng mahiya.

2nd stanza:
Para kang lumilipad sa ere tuwing naririnig mo ang pangalan ng crush mo, minsan pa nga kahit hindi siya yung binabanggit ina-assume mo na siya ang pinaguusapan.

Madalas mong pinupuri yung kissable lips niya, at ang paghahangad mo madampian ka noon kahit konting-konti lang sa iyong pisngi.

Palagi kang nakaharap sa salamin, ayaw mong maging pangit sa paningin ng crush mo. nahahalata niya kaya iyon?

Lahat ng mga bagay na galing sa kanya, ultimo balat ng kendi ay nakatago sa iyong diary, ang ilang hibla ng buhok na nalagas ng minsan hiramin niya ang suklay mo at ang mga kuko na ginupit niya gamit ang nail cutter mo. hindi kaya mangkukulam ka? joke lang.

Chorus:
Minsan hindi matanggal ang napaka-lawak na ngiti sa mga labi mo, akala ko nahipan ka ng masamang hangin (exag. alam kong corny ang huling sinabi ko). Nagngitian pala kayo ng crush mo at nagkuwentuhan pa ng dalawang oras ayon sa iyo, as usual kinikilig ka na naman, buong maghapon tayong magkasama, buong maghapon mo din bukambibig ang pangyayaring nakapagpakilig sa iyo ng sobra at sa pagtulog ko umaalingawngaw pa din ang pangalan ng crush mo sa utak ko, naisip ko hindi kaya ako bangungutin?

(Repeat 1st stanza, 2nd stanza and chorus 2x)
(Repeat 1st stanza, 2nd stanza and chorus 2x)
(Repeat 1st stanza, 2nd stanza and chorus 2x)

Wala bang magandang ending ng post na ito?
Kasi wala pa ding ending ang pagkakilig mo sa kanya.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home