Wednesday, September 21, 2005

Pinoy FM radio

Dati mahilig ako makinig sa mga fm station, minsan sa rx 93.1, sa wave 89.1, jam 88.3, 105.1 crossover 105.1 at k-lite ang ilan sa mga paborito ko. ngayon medyo nababawasan na kasi naman ambilis na magdownload ng mga songs sa internet, high res pa hindi mo na kailangan maghintay ng ilang oras o magrequest sa dj para i-play yung favorite song niyo ng dyowa mo na "banal na aso!santong kabayo!". Pero siyempre iba pa din yung me napapakinggan kang hindi ikaw mismo ang papatugtog, idagdag mo pa ang mga radio commercials katulad ng "winston, the spirit of the USA!" tsaka "champion cigarette, champion talaga! champion talaga!", simula yata bata ako naririnig ko na ang patalastas na yan sa fm o am man, wala sigurong budget ang fortune tobacco para gumawa ng bagong commercial. Isa pang kaengga-angganyong pakinggan eh yung mga interesanteng istorya ng mga avid listeners, minsan drama, greetings, sosyalan at marami pang iba.

Gaya nga ng sinabi ko minsan ko nalang maisipan makinig sa radyo, trip-trip nalang. Pero hindi maiwasan na makikinig ka din sa tugtog sa bus habang bumibyahe ka, katulad kanina habang ako'y nasa bus at busy ang aking utak kakasolve ng bagong bili ko na puzzle magazine, umeere naman ang istasyong patok na patok sa masa, ang Love radio 90.7, sa mga hindi familiar sa istasyong ito, yan ang kadalasang maririnig sa bus, sa jeep, o kahit sa mga karinderya, kung hindi niyo pa din maalala, ang tanong, nasa pilipinas ka ba? basta may naririnig kang jingle na "kailangan pa bang i-memorize yan!" yun na yun. Hindi ko gusto ang istasyong ito dahil hindi ko trip makinig ng halo-halong music, minsan may love song tapos biglang magshishift sa rock o kaya naman biglang isisingit ang walang patid na pagtawa ng mga dj sa mga jokes nila na medyo nilalangaw na. di mo nga lang mapigil mapangiti dahil minsan ang jokes nila, nai-joke mo na sa iba mga isang taon na nakakaraan. "bakit kaya maitim ang kanyang kili-kili? siguro.. hihihihi. siguro sa kagustuhang pumuti, Nasunog!" natawa ka ba sa joke na yan? ako nagulat, kasi nung narinig ko yan me tumawang babae sa bus ng pagkalakas-lakas, naka-relate siguro.

Kanya-kanyang raket ang mga istasyon, mula sa mga programa hanggang sa mga pangalan ng dj ay talaga namang target na target ang masang pilipino, may Nicholehiyala, Chris-tsuper, Matinding Martin D. at marami pang iba. Sabihin na nating jologs o baduy ang mga istasyong ito, nagpapasalamat pa din ako sa mga tao sa likod ng mga FM stations na ito, dahil kahit sa hirap ng buhay sa kalye para sa mga tindera, sa mga driver, sa mga kundoktor, sa mga dispatcher, sa mga magbobote, sa mga tambay, sa mga commuters, sa mga maybahay at mga nagbabantay ng bahay, ay nagagawa pa din nilang pangitiin at pagaanin ang kanilang mga buhay.
Naks.. mabait pala ako.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home