Friday, May 05, 2006

I Love You

I love you.

Yan marahil ang mga salitang hinihintay mong marinig mula sa akin, simple pero masarap pakinggan lalo na kung hindi mo pa ito naririnig sa taong gusto mong magsabi nito sayo, gaya ko. Ilang taon din akong nawalay, nagkaroon ako ng sariling mundong malayo sa iyo, ikaw sa probinsiya at ako dito sa manila. Kung tutuusin madali lang solusyunan ang layo natin pwede akong sumulat pero hindi ko nagawa nakakatamad kasi, wala kang linya ng telepono kaya kailangan ikaw pa ang tumawag sa akin sa RCPI pero alam kong hindi pwede. Nang mauso ang text, ilang taon din bago ka namulat sa teknolohiyang ito, pwede na tayong maging textmates. Tinetext kita para kumustahin at alamin kung ok ka, hanggang sa kinatamaran kong gawin iyon at umasa na lang sa mga pangungumusta mo at pagkukuwento ng mga bagay tungkol sa inyo diyan sa probinsya.

Gaya ng dati, kapag nagbabakasyon ako masaya tayo pero minsan nangangati palagi ang mga paa kong bumalik agad ng manila, ayaw kitang lingunin kapag paalis na yung tricycle matapos kong halikan ang pisngi mo, ayoko kasing makita kang umiiyak na naman. Ilang taon din yun, kapag aalis ako iiyak ka kaya pati ako napapaiyak din, grabe hindi na tayo nasanay sa eksenang ganun.

Dalawang taon ang nakakaraan, naalala ko pa nung minsang tinext mo ang kaibigan ko dahil nakakalimutan kong magreply sa iyo, kinumusta mo ako sa kanya at palagay naman ang loob mo na nasa mabuti akong kalagayan dahil may tiwala ka sa sinabi niya tungkol sa akin, nang nalaman ko iyon naalala kita bigla at kinumusta.Nang panatag ka nang ok ako, nag-goodnight ka at sinabihan ako ng i love you. Nagulat ako sa nabasa ko, alam kong mahal mo ako pero hindi ka ganun, hindi mo sinasatinig ang mga katagang iyon, hindi ko na matandaan kung nagsabi ba ako ng i love you too, pero sana alam mo din na yun din ang nararamdaman ko para sa iyo, gaya mo hirap din akong sabihin sa iyo ang mga salitang iyon. Kinabukasan noon, nalaman ko sa kaibigan ko na sinabi mo din pala iyong mga salitang iyon sa kanya bilang kaibigan ko, minahal mo na din siya.

Marami akong bagay na pinanghihinayangan sa ating dalawa. Sa mga panahong dapat naipadama ko sa iyo kung paano ako magmahal at kung paano ako mag-alaga, wala ako. Hindi sapat ang mga bakasyon para maipakita ko sa iyo na napakaimportante mo sa akin.

Mahigit isang taon na nung huli tayong magkita, bagong taon yun 2005. Nagluto ako ng mga handa para magkakasama natin salubungin ang bagong taon, ikaw, ako, si papa at si kuya. Masaya tayong dalawa habang nagpipicture tayo sa bagong bili kong digicam, may solo shot ka at ako din siyempre tsaka meron din tayong picture magkasama, close-up pa nga yun e at ang saya-saya natin tingnan doon.

Meron lang akong napansin sa litratong iyon, anlaki ng pinagbago mo at anlaki din ng pinagbago ko. Ang dating kutis ko nag-iba na, hindi na ako negra katulad noong sa probinsya pa ako nakatira. Ang mga ngiti mo hindi na katulad ng dati na bunga lang ng mga salitang "say cheese", tila hirap pero maaliwalas ang mga ngiting iyon at napakasaya kung tititigan mo, siguro dahil kasama mo ako. Ang mga mata mong dati ay kinatatakutan kong titigan, napalitan na ng kalungkutan at pilit kinukubli sa mga ngiting tila nagsasabi sa akin na huwag kang mag-alala dahil masaya ako na nandito ka. Ang dating tapang sa mukha mo ay napalitan na ng kaba at paghahangad ng pagmamahal... pagmamahal mula sa isang anak na katulad ko.

Ngayon sasabihin ko sa iyo, Mahal na Mahal kita. Paulit-ulit kong binigkas ang mga katagang iyan sa harap mo, sa loob ng ilang araw at gabing kapiling mo ako at ang mga taong nagmamahal sa iyo. Hindi ko alam kung sinagot mong mahal na mahal mo din ako, hindi ko na maririnig ang sagot mo kailanman pero alam ko... sa puso ko labis ang pagmamahal mo...

Sana masaya ka palagi kapag binubulong ko sa hangin na I Love You Mama.

Gaya ngayon...

Monday, February 20, 2006

Kaibigan ba ang hanap mo?(Are you Searching for Friends?)

Here are some sites that might help you find a friend, a true love or even find a religous christian friends/love!



1. At Friendfinder you can do these things:(FREE registration)

  • Create an online journal or diary of your real life experiences so that people can learn more about you!
  • Pick a room by geographic region or by topic of interest. There are 118 members chatting right now, so jump into the lively conversation!
  • Want to be published? Now's your chance to write and respond to humor, love, fitness, and many other member submissions, plus read romantic advice from our love experts!

2. The Big Church is the online community where Christian singles and singles interested in Christianity can come together for dating, courtship, fellowship, and marriage. Members can also search for Bible study and prayer partners in their home town or across the world. (FREE registration)

3. Filipino FriendFinder is the largest online relationship community. It's more than a dating service - It is your one-stop solution for finding romance, pen pals, new friends, and activity partners. No matter what you're looking for, you've come to the right place! Click here to join now!

Monday, October 10, 2005

Ang Teleserye ng Totoong buhay

pa-off topic lang:

Inaamin ko naantig ako sa episode ng pinoy big brother kagabi. Hindi ko napigil lumuha habang nag-sasalita si bob at umiiyak si jason at franzen. Ganun pala talaga ang pagkakaibigan, kahit sa sandali o tagal ng panahon ng pagsasama, may kurot (ouch) kapag maghihiwalay na.

Nakita ako ang performance ni bob sa loob ng pbbh, minsan naiinis ako sa kanya, minsan naman natutuwa katulad din ng nararamdaman ng iba niyang housemates para sa kanya. Pero kahit pala gaano ang pag-ayaw mo sa isang tao masakit pa din kapag nawala siya...

Teleserye nga ng totoong buhay naka-relate na naman ako.

Thursday, September 29, 2005

Papa Cologne

Problema mo ba ang pangit mong mukha?
Palagi ka bang binabasted ng nililigawan mo?
Ayon kay chito ito ang sagot sa problema niyo:

Title: Papa Cologne
Album: Halina sa Parokya

Kung ang iyong problema
ay ang iyong mukha
huwag nang magalala
pagkat nandito na

ang sagot sa lahat
ng problema mo sa mga babae
ang sagot sa lahat ng pagkakabigo ng mga lalake

nandito na ang papapapa cologne 2x

magaamoy mayaman
kahit na pagpawisan
di na mahihirapan diretso nang kantu...

kung saan may tindahang
mapagbibilhan nitong cologne ko
siguradong patok (at wala kang putok)
garantisado

gumamit na ng papapapa cologne
gumamit na ng papa (papa)

papa cologne

hey this is peter north
im from houston colorado
i play a lot of tennis
and i do a little judo
my darling likes me smelling good
it always turns her on
that's why i always use papa cologne

Kung ang iyong problema
ay ang iyong mukha
huwag nang magalala
pagkat nandito na

gumamit na ng papa papa cologne
gumamit na ng papa (papa)
papa cologne

Psst! Pogi

Sa bus:

konduktor: oy! baclaran baclaran ortigas cubaoooo!

May poging sumakay.

konduktor: tiket po ser?
pogi: Cubao.
konduktor: 20

Pumikit na si pogi. mukhang iidlip.

May isa pang lalaking sumakay.

konduktor: saan po?
lalaki: crossing

Nakaidlip din.

Busy ang aking mga mata sa bintana ng bus, para akong bagong salta sa manila na ayaw makaligtaan lahat ng mga lugar na madadaanan ng sinasakyan kong bus sa pagaalalang baka ako maligaw o di kaya ay hindi ko makita ang pinagmamalaki ng kaibigan sa probinsya, ang megamall. naalala ko tuloy nung kakaluwas ko pa lang ng manila, parang hinihila ang mga paa ko pabalik sa aming bayan na lalakbayin mo pa ng isang araw sa gitna ng dagat bago ka makarating. Pero hindi nangyari iyon, andito na ang buhay ko sa manila at pangit mang pakinggan pero hindi ako aasenso sa probinsya, dito nga lang sa manila hindi ko alam kung paano ako aasenso, sa probinsya pa kaya, kaya dito lang muna ako.

Takbo! naka-go na ang traffic light. hala! tawid lang ale, sinundan pa ni mamang kalbo, at isa pang babaeng may hila-hilang bata. susmaryosep, baka mahagip ang bata.

Traffic. Nanghuhuli na naman ang mga mmda. kaya pala nakaharang ang mga pampasaherong bus sa edsa. tsk.

Oy! Cubao na Cubao!

konduktor: "Pogi cubao na!"

Dali-daling bumaba ang lalaki.

Sabi ni pogi: "sa kabila nalang!"

Maya-maya sumakay ulit ang mokong na lalaking bumaba.

konduktor: "bakit po ser? me naiwan kayo?"
lalaki: "crossing pa ako bababa eh ginising moko!"

Feeling Pogi.

Sunday, September 25, 2005

Kaibigan

Dear Kaibigan,

Akala ko noon ikaw na yung masasabi kong the best sa lahat ng mga naging kaibigan ko, hindi pala. Buti na lang hindi ko naisatinig ang mga salitang "you are my best friend." Ang sarap siguro pakinggan na may kabatuhan ka ng ganung linya lalo na pag depressed ka, "Don't give up, best...", di ba?

Wala pa kasi ako nasabihan ng ganun e, kilala mo naman ako hindi ako ganun ka-showy. nakakainggit lang, lahat yata ng tao merong itinuturing na bestfriend, am i the only one na walang bestfriend? huhuhu. Gaga ko kasi, iniwan ko mga kaibigan ko dati ngayon ako naman ang naiwan mag-isa, but that's another story so better put a period on that issue first.

Mabalik tayo sa atin, ilan na ba ang itinuring mo na bestfriend? isa o dalawa? Bakit kaya sa tagal ng panahong magkasama tayo hindi natin naisip na dapat pala tayong maging mag-bestfriend? o ako lang ang nakakaramdam noon para sa iyo?

Nagkamali ako kanina, sayang pala at hindi ko nasabing "ikaw ang bestfriend ko." Ngayon mukhang malabo nang masabi ko pa iyon, iba na ang mundo mo ganun din ako, wala nang bagay ang pareho tayo, siyanga pala suot ko pa din yung relo nating twin nawala na yata yung sa iyo eh.

Tumaba ka na ba? Malakas ka pa din ba tumawa? May Bf ka na daw, as in boyfriend, sigurado masaya ka na ngayon. Masaya din ako para sa iyo.

Kung sakaling mabasa mo ito... i-text mo naman ako kahit "hi" lang.

Friday, September 23, 2005

Ang sagot sa panawagan ko!

Sa lahat ng naligaw sa advertisement ko, BULAGA! Sabi ko sa inyo makibahagi.. ibig sabihin, makibahagi sa aking blog. Marahil nagulat kayo sa biglang pagpasok niyo dito sa kaharian ko. Pwedeng magbasa-basa, magmungkahi, makiusyoso, umapela, makiayon, at kung ano pa ang gusto niyo gawin, wag lang magmura.

Juice o Kape?
Biscuit o Pan de coco?
Tong-its o Pusoy?

Wala pong lamay, gusto ko lang kayong maging at home.

Wednesday, September 21, 2005

MYMP

Para sa mga bloghoppers na naghahanap ng mymp, fan ka din sigurado ng mymp ano? para sa iyo ito!
click on the track to play :
More songs to listen on the site. click na sa link dali!

Pinoy FM radio

Dati mahilig ako makinig sa mga fm station, minsan sa rx 93.1, sa wave 89.1, jam 88.3, 105.1 crossover 105.1 at k-lite ang ilan sa mga paborito ko. ngayon medyo nababawasan na kasi naman ambilis na magdownload ng mga songs sa internet, high res pa hindi mo na kailangan maghintay ng ilang oras o magrequest sa dj para i-play yung favorite song niyo ng dyowa mo na "banal na aso!santong kabayo!". Pero siyempre iba pa din yung me napapakinggan kang hindi ikaw mismo ang papatugtog, idagdag mo pa ang mga radio commercials katulad ng "winston, the spirit of the USA!" tsaka "champion cigarette, champion talaga! champion talaga!", simula yata bata ako naririnig ko na ang patalastas na yan sa fm o am man, wala sigurong budget ang fortune tobacco para gumawa ng bagong commercial. Isa pang kaengga-angganyong pakinggan eh yung mga interesanteng istorya ng mga avid listeners, minsan drama, greetings, sosyalan at marami pang iba.

Gaya nga ng sinabi ko minsan ko nalang maisipan makinig sa radyo, trip-trip nalang. Pero hindi maiwasan na makikinig ka din sa tugtog sa bus habang bumibyahe ka, katulad kanina habang ako'y nasa bus at busy ang aking utak kakasolve ng bagong bili ko na puzzle magazine, umeere naman ang istasyong patok na patok sa masa, ang Love radio 90.7, sa mga hindi familiar sa istasyong ito, yan ang kadalasang maririnig sa bus, sa jeep, o kahit sa mga karinderya, kung hindi niyo pa din maalala, ang tanong, nasa pilipinas ka ba? basta may naririnig kang jingle na "kailangan pa bang i-memorize yan!" yun na yun. Hindi ko gusto ang istasyong ito dahil hindi ko trip makinig ng halo-halong music, minsan may love song tapos biglang magshishift sa rock o kaya naman biglang isisingit ang walang patid na pagtawa ng mga dj sa mga jokes nila na medyo nilalangaw na. di mo nga lang mapigil mapangiti dahil minsan ang jokes nila, nai-joke mo na sa iba mga isang taon na nakakaraan. "bakit kaya maitim ang kanyang kili-kili? siguro.. hihihihi. siguro sa kagustuhang pumuti, Nasunog!" natawa ka ba sa joke na yan? ako nagulat, kasi nung narinig ko yan me tumawang babae sa bus ng pagkalakas-lakas, naka-relate siguro.

Kanya-kanyang raket ang mga istasyon, mula sa mga programa hanggang sa mga pangalan ng dj ay talaga namang target na target ang masang pilipino, may Nicholehiyala, Chris-tsuper, Matinding Martin D. at marami pang iba. Sabihin na nating jologs o baduy ang mga istasyong ito, nagpapasalamat pa din ako sa mga tao sa likod ng mga FM stations na ito, dahil kahit sa hirap ng buhay sa kalye para sa mga tindera, sa mga driver, sa mga kundoktor, sa mga dispatcher, sa mga magbobote, sa mga tambay, sa mga commuters, sa mga maybahay at mga nagbabantay ng bahay, ay nagagawa pa din nilang pangitiin at pagaanin ang kanilang mga buhay.
Naks.. mabait pala ako.